Anebe Tologong Bet Mo?
Maging Maka-Kapwa!
When I grow up, I want to be a doctor!
Yun ang naalala kong sinambit ko nung pre-school graduation ko. Gusto ko maging
doctor. Nung naging Grade 1 naman ako, pagiging dentist naman ang napupusuan ko
kasi ako yung “Best Dental Health” awardee. Noong grade 5 ako, ballet dancer at
ice skater naman ang pangarap ko kakanood ng “Ice Princess”. Pagtungtong ng high
school, kurso naman sa pag-awit at paggawa ng kanta ang gusto ko. Naisip ko rin
maging lawyer. Pwede ring teacher. Ay! Gusto ko ng Psychology!
Kaya naman noong nag-exam
ako sa kolehiyo, bawat university, iba-ibang kurso. Ngayon ako ay Broadcast Communication
student na lumilinya sa Advertising at Marketing. Kung akala ninyo na
nagtatapos na ang kaguluhan ng brains ko sa gusto kong maging sa buhay,
nagkakamali kayo. Habang lalong lumilinaw sa akin ang landas ng Advertising at
Marketing, lalo rin namang lumalabo ang kagustuhan kong magpatuloy sa landas na
iyon.
Marahil tunog “cheesy, idealistic, at
too-good-to-be-true” pero sa tatlong taon ko dito sa UP Diliman, napagtanto
kong gusto kong maging pagkatapos ko magaral. Gusto kong luminya pa rin sa Advertising at Marketing, pero nais ko na sa isang government institution or NGO magtrabaho.
Bakit doon? Dahil para sa akin, ang
makapaglingkod para sa kapwa ay isang pangarap na magandang pangarapin pero ang
hirap gawin. Naniniwala kasi ako na bilang Iska ay may utang na loob ako sa
aking mga kapwa Pilipino, at ninanais ng puso ko na maibalik ang buwis nila sa
pamamagitan ng paglilingkod sa bayan at pagcontribute sa ikabubuti ng mas
nakararami—isang tanda ng pagiging makakapwa.
Ngunit paano nga ba maipapakita sa konkretong paraan
ang pagiging maka-kapwa sa pagtratrabaho sa isang NGO o gobyerno? Naisip ko
gamitin ang sa THINK-FEEL-DO model (eg. What do I want to think, feel, or do?)
THINK
Dapat isipin ko na ako ay may pananagutan sa: organisasyong aking kinabibilangan, mga nakatataas sa
akin, mga kapwa manggagawa at lalo na
sa
kapwa Pillipinong aking paglilingkuran.
Dapat maiparamdam ko rin sa kanila ang aking malasakit sa trabaho, sa kapwa
tao, at sa mamamayang pinaglilingkuran.
DO
Dapat ako ay makipagbayanihan para sa mas kolektibo at mas maunlad na paglilingkod sa ating mamamayan.
Para mas konkreto ang bagay-bagay, ito ang mga Do's and Don'ts:
THINK of your PANANAGUTAN! (Do’s and Don’ts)
DO: Maging masipag at masinop sa pagtratrabaho dahil ang pagiging produktibo
ay nagpapakita ng sense of responsibility
na meron ka. Mangyaring tapusin rin ang inutos sa’yo ng boss mo sa tamang oras at sa pinaka-maayos na
paraan. Isipin mo rin na ikaw ay may pananagutan sa bayan na pinagsisilbihan mo. Isipin lagi na
may kabutihang idudulot ang bawat effort sa mamamayan.
DON’T: Huwag maging tamad, at bara-bara ang trabaho. Naipapakita nito na
hindi ka maka-kapwa. Huwag din baliwalain ang mga taong pinaglilingkuran (eg. sa opisina, mga pamilyang
tinutulungan) dahil pananagutan mong tratuhin silang parang tao at
respetuhin sila bilang tao. Huwag din maging corrupt. Patas dapat ang trato sa lahat ng
pinagseserbisyuhan.
FEEL MALASAKIT! (Do’s and Don’ts)
DO: Magmalasakit sa organisasyon, sa
boss, at sa mga pinaglilingkurang tao. Maipapakita ang malasakit sa
organisasyon at boss kung gagawin mo ang trabaho higit pa sa inaasahan sa iyo. Dapat rin ay may malasakit sa
taumbayang pinaglilingkuran. Kahit hindi bahagi ng trabaho mo na laging ngumiti,
maging accommodating, at tulungan ang
mga humihingi ng iyong serbisyo, gawin mo pa rin nito dahil sa malasakit at
kagandang-loob. Magpakita rin ng malasakit sa kapwa mo manggagawa. Ang simpleng
pagtatanong at pagpapakita na ikaw ay may malasakit ay may impact sa tao.
DON’T: Isa sa nalilimutan kadalasan ng
mga government employees ay ang malasakit sa taumbayan. Hindi naman natin
maitatanggi na minsan ay may mga pasaway talaga, ngunit hindi ito dahilan para magsungit at maging arogante ka sa
mga pinaglilingkurang kapwa Pilipino: wala man silang pinag-aralan, o
mababa man ang kinikita nila. Halimbawa na lamang ay ang ibang nagtratrabaho sa
government offices na napakasungit at hindi entertaining sa mga tanong. Kahit nga sa UP minsan ay madaming
ganito. Nakakatakot at nakakaintimidate bilang estudyante na magtanong dahil
ang sungit at asim agad ng aura ng
mga naglilingkod sa’yo.
DO: Makipagbayanihan!
DO: Makipagkaisa sa organisasyon, at kapwa manggagawa tungo sa isang hangarin: ang makapaglingkod
ng maayos at may malasakit sa taumbayan. Gawin at ipakita sa paglilingkod ang
mga Core Values na pinanghahawakan ng organisasyon. Ang Mission, Vision at Core Values ay
hindi display sa “About Us” ng organisasyon. Ginawa ito para isa-isip at
isapuso tungo sa isang hangarin. Talakayin sa kapwa manggagawa ang
mga paraan para makapaglingkod ng mas mabilis at convenient sa taumbayan. Hikayatin ang mga mamamayan na tumulong isulong ang hangarin ng
organisasyon. Subukan maglungsad ng mga kaganapan kung saan maabot sila
at maririnig din ang panig nila sa mga isyung tinatalakay ng organisasyon.
DON’T: Huwag sarilihin ang trabaho at kaalaman. Mas maraming
nakikiisa, mas malakas ang pwersa tungong pagbabago.
Mga pinagkuhanan ng larawan:
Think-Feel-Do Model. http://www.managementcentre.co.uk/images/blog/tfd.png
Responsibility. http://www.plainview.k12.tx.us/Portals/0/images/schools/estacado/responsibility6.jpg
Bayanihan. http://i73.photobucket.com/albums/i222/mrs_sanborn/422858_282200021834535_1357545023_n.jpg
No comments:
Post a Comment