MMK: Malawak at Malalim na Kaalaman
Magandang araw mga Charotsters! Nandito na naman po tayo sa isang blog
post na tinawag kong “Laki sa Layaw: Juvenile Delinquency” edition. Sa araw po
na ito ay sasagutin ko ang katanungan ng isang letter sender sa akin. Isa po
siyang Ina na nais malaman paano ba matutulungan ang kanyang anak. Ito pa ang
sulat ni Mrs. Santos:
Ito naman po ang aking sulat sa kanya:
Magandang araw, mga charotsters! Sa sagutan nga ng mga
sulat namin ni Mrs. Santos ay makikita natin ang topic ng MMK blog ko ngayon:
Juvenile Delinquency. Ano nga ba ang juvenile delinquency? Kung batas ang
pag-uusapan, ang isang juvenile delinquent o children in conflict with the law (CICL) ay mga kabataan na
nakagawa ng kasalanan habang siya ay nasa edad 10-17. Sa sikolohiya naman, ang delinquency o ang mga antisocial behaviors ay mga asal na
hindi naaayon sa norms o mga tamang
pagkilos na tinatag ng lipunan at ng batas. Dahil nga hindi ito ayon sa batas
ng lipunan at gobyerno, ito ay kadalasang may kalakip na pagididsiplina at
kaparusahan. Halimbawa ng mga parusang ito ay ang
pagkakasuspende sa eskwelahan o pagpapaunta sa principal’s office, o di kaya’y
pagdadala sa isang CICL sa ahensiya ng gobyerno tulad ng DSWD. Ang mga asal na
ganito ay hindi pasulpot-sulpot. Lumalala ito sa pagtagal ng panahon, at lalong
nagiging delikado at negatibo ang maaring idulot nito sa bata at lipunan.
Halimbawa, maaring magsimula ito sa simpleng pangungupit ng mga gamit sa bahay,
hanggang sa pagiging snatcher sa kalsada, o malala pa ay sa pagpatay.
Ngayon, bakit nga ba nagkaganoon ang iyong anak? Huwag
mo solohin ang sisi, Mrs. Santos. Hindi lang naman ikaw ang mundo ng iyong
anak. Ang development ng ganitong mga asal ay contextual. Ibig sabihin, ang
iyong anak ay naging delikwente dahil sa kanyang paligid, at lahat ng sistema
(pamilya, eskwela, kaibigan) na ito ay magkakaugnay sa paghuhubog sa iyong
anak. Dagdag pa rito, ang iyong anak rin ay may kapangyarihan na
impluwensiyahan ang kanyang paligid at ang kanyang development.
Ilan
sa mga risk factors na dapat nating
tignan ay una, ang child-centered
factors. Maari rin naman kasing nagkaroon ang iyong anak ng neuropsychological problems kung saan
ang may development ng neuropsychological
process (structure at functions ng utak na may kinalaman sa psychological
make-up ng tao) ay hindi naging maayos. Kadalasan ikinakabit ito sa hindi pagdevelop
ng maayos ng utak ng bata habang nasa sinapupunan palang siya. Kung kayo Mrs. ay
na-expose sa bisyo, masamang gamut, o di kaya nama’y hindi kayo malusog nung
pinagbubuntis niyo ang anak niyo, maaring nagkaroon ng problema sa brain
development ang anak niyo kaya nagpapakita siya ng antisocial behaviors. Mayroon ding relasyon ang mababang IQ at
language skills sa antisocial behaviors. Kadalasan
maaring brain impair ang dahilan pero pwede rin namang namana niya ito sa mga
magulang niya. Nakita kasi sa pag-aaral na ang mga batang medyo mahina sa
pag-iisip ay may mga magulang na ganun rin naman ang intelektwal na kapasidad. Dahil
dito, maaring kaya nagdrop-out ang anak niyo dahil nawalan siya ng interes kasi
hindi siya makasabay sa eskwela. Ayon pa naman sa pag-aaral ng NSO, kawalan ng
interes ang numero unong dahilan bakit nag-drodrop out ang mga kalalakihan.
Dagdag pa rito, nakita nila ang maaring relasyon ng pagiging drop-out sa antisocial behaviors.
Pangalawang
dapat rin nating tignan ang paraan ng pagpapalaki niyo sa inyong anak, at kung
paano ba ang tunguhan niyo sa isa’t-isa. Ayon kasi sa pag-aaral, nakikita na
karaniwan sa mga CICL ay mga batang hindi maganda ang karanasan sa loob ng
pamilya. Sila ang mga batang inaabuso, sinasaktan, pinapagalitan, at
pinapabayaan. Sa loob ba ng pamilya niyo Mrs. Santos, paano kayo magtunguhan?
Paano niyo din trinatrato ang anak niyo? Malaking bagay kasi ang pamilya sa pag
“make or break” ng isang bata.
Katuwang mo ba ang asawa mo sa pag-aalaga? O mag-isa ka nalang nagpapalaki sa
kanila? Maari kasing ang pagkahiwalay at sira ng pamilya ay dahilan ng pagiging
delinquent. Naibibigay niyo ba ng
tama ang pangangailangan ng inyong mga anak? Nagkukulang ba kayo sa pag-aalaga?
Maaring dahilan rin kasi ito.
Pangatlong
dapat tignan ay ang mga barkadang laging sinasamahan ng inyong anak. Karaniwan
na isipin na ang barkada ang masamang impluwnesiya sa inyong anak. Pero, ayon
sa pag-aaral, napatunayan na kaya napupunta sa masasamang imluwensiya ang
inyong anak ay dahil sa problema o kakulangan sa pamilya. Nakita kasi na kapag
problemado ang pamilya, sa barkada maghahanap ng kalinga at kasiyahan ang
inyong anak. Totoo, may impluwensiya ang barkada sa inyong anak. Ayon nga sa
pag-aaral sa Pilipinas, tatlo sa limang delinquent
child ay naimpluwensiyahan lamang ng kanilang mga barkada. Nakikita kasi ng
mga bata ang barkada bilang kanilang pamilya, lalo na kung problemado ang totoo
nilang pamilya.
Ano ngayon ang maaari
mong gawin upang matulungan ang iyon anak? Liban sa trabaho ng gobyerno para sa
mga programang pangkabataan, dapat un among pagtuunan ng pansin ang iyong
pamilya. Siguraduhin mo, Mrs. Santos, na naibibigay mo ang pangangailangan ng
iyong anak, mapa-pisikal na pangangailangan ito o emotional. Lagi mong
iparamdam sa anak ang pagmamahal imbis na pagalitan siya sa lahat ng
pagkakamali. Dapat din ay iwasan niyong iparamdam sa inyong mga anak ang
problema ninyong mag-asawa. Siguraduhin mo rin na ang anak mo ay may pamilyang
mauuwian na lubos na nagmamahal at tatanggapin siya, kahit anong nagawa niyang
pagkakamali. Dapat din ay gabayan mo ang iyong anak sa pagpili niya ng mga
kaibigan at kabarkada. Turuan mo siyang tumayo sa sarili niyang paa, para
kayanin niyang tumanggi sa masasamang impluwensiya. Siguraduhin mo rin na
nabibigyan mo ang iyong anak ng sapat na edukasyon. Huwag mo siya hayaan
magdrop-out. Tulungan mo siyang bumalik sa eskwela at gabay mo siya ng talino
at pagmamahal. Kapag lalong wala siya sa eskwela, lalo siyang ma-eexpose sa
masasamang impluwensiya sa labas ng bahay.
Naniniwala
akong may pag-asa pa ang iyong anak. Gabayan mo siya tungo sa matuwid na
landas. Ipakita mo at ng pamilya mo na ang mga tao sa bahay, ay para niyang mga
kaibigan: maaasahan, mahihingahan ng saloobin at mamahalin siya. Subukan mo rin
maglaan ng panahon kung saan ang buong pamilya ay gagawa ng productive na
bonding activity. Bakit hindi ka magsimula sa talent ng iyong anak sa
pagdrawing at pagpinta? Malay mo, ma-divert mo ang vandalism ng anak mo tungo
sa mas maganda at kapakipakinabang na sining.
Salamat po sa pagsulat sa akin. Sana po ay patuloy
niyo pang tangkilikin ang MMK. Sa susunod na blog ko po ay tatalakayin ko ang problema
ng isang kabataang babae sa boyfriend niyang gustong laging nasusunod. Muli,
ako po si Ate Charo-tera, nagmamahal.
Mga Imahe na Ginamit
Domestic
Violence. http://www.shepherdsrestministries.com/images/dv001.jpg
Peer Influence. http://www.reverendfun.com/add_toon_info.php?date=20051104
No comments:
Post a Comment