Sunday, April 7, 2013

II. Maka-kapwa ako!


Anebe Tologong Bet Mo?
Maging Maka-Kapwa!


       When I grow up, I want to be a doctor! Yun ang naalala kong sinambit ko nung pre-school graduation ko. Gusto ko maging doctor. Nung naging Grade 1 naman ako, pagiging dentist naman ang napupusuan ko kasi ako yung “Best Dental Health” awardee. Noong grade 5 ako, ballet dancer at ice skater naman ang pangarap ko kakanood ng “Ice Princess”. Pagtungtong ng high school, kurso naman sa pag-awit at paggawa ng kanta ang gusto ko. Naisip ko rin maging lawyer. Pwede ring teacher. Ay! Gusto ko ng Psychology!
     Kaya naman noong nag-exam ako sa kolehiyo, bawat university, iba-ibang kurso. Ngayon ako ay Broadcast Communication student na lumilinya sa Advertising at Marketing. Kung akala ninyo na nagtatapos na ang kaguluhan ng brains ko sa gusto kong maging sa buhay, nagkakamali kayo. Habang lalong lumilinaw sa akin ang landas ng Advertising at Marketing, lalo rin namang lumalabo ang kagustuhan kong magpatuloy sa landas na iyon. 

Marahil tunog “cheesy, idealistic, at too-good-to-be-true” pero sa tatlong taon ko dito sa UP Diliman, napagtanto kong gusto kong maging pagkatapos ko magaral. Gusto kong luminya pa rin sa Advertising at Marketing, pero nais ko na sa isang government institution or NGO magtrabaho. 

Bakit doon? Dahil para sa akin, ang makapaglingkod para sa kapwa ay isang pangarap na magandang pangarapin pero ang hirap gawin. Naniniwala kasi ako na bilang Iska ay may utang na loob ako sa aking mga kapwa Pilipino, at ninanais ng puso ko na maibalik ang buwis nila sa pamamagitan ng paglilingkod sa bayan at pagcontribute sa ikabubuti ng mas nakararami—isang tanda ng pagiging makakapwa. 


Ngunit paano nga ba maipapakita sa konkretong paraan ang pagiging maka-kapwa sa pagtratrabaho sa isang NGO o gobyerno? Naisip ko gamitin ang sa THINK-FEEL-DO model (eg. What do I want to think, feel, or do?)

THINK

Dapat isipin ko na ako ay may pananagutan saorganisasyong aking kinabibilangan, mga nakatataas sa akin, mga kapwa manggagawa  at lalo na 
sa kapwa Pillipinong aking paglilingkuran.
  FEEL 
Dapat maiparamdam ko rin sa kanila ang aking malasakit sa trabahosa kapwa tao, at sa mamamayang pinaglilingkuran.

DO
Dapat ako ay makipagbayanihan para sa mas kolektibo at mas maunlad na paglilingkod sa ating mamamayan.

Para mas konkreto ang bagay-bagay, ito ang mga Do's and Don'ts:

THINK of your PANANAGUTAN! (Do’s and Don’ts)

DO: Maging masipag at masinop sa pagtratrabaho dahil ang pagiging produktibo ay nagpapakita ng sense of responsibility na meron ka. Mangyaring tapusin rin ang inutos sa’yo ng boss mo sa tamang oras at sa pinaka-maayos na paraan. Isipin mo rin na ikaw ay may pananagutan sa bayan na pinagsisilbihan mo. Isipin lagi na may kabutihang idudulot ang bawat effort sa mamamayan.


DON’T: Huwag maging tamad, at bara-bara ang trabaho. Naipapakita nito na hindi ka maka-kapwa. Huwag din baliwalain ang mga taong pinaglilingkuran (eg. sa opisina, mga pamilyang tinutulungan) dahil pananagutan mong tratuhin silang parang tao at respetuhin sila bilang tao. Huwag din maging corrupt. Patas dapat ang trato sa lahat ng pinagseserbisyuhan. 
FEEL MALASAKIT! (Do’s and Don’ts)
DO: Magmalasakit sa organisasyon, sa boss, at sa mga pinaglilingkurang tao. Maipapakita ang malasakit sa organisasyon at boss kung gagawin mo ang trabaho higit pa sa inaasahan sa iyo. Dapat rin ay may malasakit sa taumbayang pinaglilingkuran. Kahit hindi bahagi ng trabaho mo na laging ngumiti, maging accommodating, at tulungan ang mga humihingi ng iyong serbisyo, gawin mo pa rin nito dahil sa malasakit at kagandang-loob. Magpakita rin ng malasakit sa kapwa mo manggagawa. Ang simpleng pagtatanong at pagpapakita na ikaw ay may malasakit ay may impact sa tao.
DON’T: Isa sa nalilimutan kadalasan ng mga government employees ay ang malasakit sa taumbayan. Hindi naman natin maitatanggi na minsan ay may mga pasaway talaga, ngunit hindi ito dahilan para magsungit at maging arogante ka sa mga pinaglilingkurang kapwa Pilipino: wala man silang pinag-aralan, o mababa man ang kinikita nila. Halimbawa na lamang ay ang ibang nagtratrabaho sa government offices na napakasungit at hindi entertaining sa mga tanong. Kahit nga sa UP minsan ay madaming ganito. Nakakatakot at nakakaintimidate bilang estudyante na magtanong dahil ang sungit at asim agad ng aura ng mga naglilingkod sa’yo. 



DO: Makipagbayanihan!
        DO: Makipagkaisa sa organisasyon, at kapwa manggagawa tungo sa isang hangarin: ang makapaglingkod ng maayos at may malasakit sa taumbayan. Gawin at ipakita sa paglilingkod ang mga Core Values na pinanghahawakan ng organisasyon. Ang Mission, Vision at Core Values ay hindi display sa “About Us” ng organisasyon. Ginawa ito para isa-isip at isapuso tungo sa isang hangarin. Talakayin sa kapwa manggagawa ang mga paraan para makapaglingkod ng mas mabilis at convenient sa taumbayan. Hikayatin ang mga mamamayan na tumulong isulong ang hangarin ng organisasyon. Subukan maglungsad ng mga kaganapan kung saan maabot sila at maririnig din ang panig nila sa mga isyung tinatalakay ng organisasyon.
DON’T: Huwag sarilihin ang trabaho at kaalaman. Mas maraming nakikiisa, mas malakas ang pwersa tungong pagbabago.


       Hindi madaling maging maka-kapwa, ngunit ang pinakamagandang pormula para magawa ito ay isapuso ang pagiging Pilipino, mahalin ang bayan at ang taumbayan. Tama na ang hindi pakikiisa at debate. Tama na ang salita. Dapat, simulan na natin ang aksyon: maliit man o malaki. Iba-iba man ang ating pangarap at gusting marating, magkaisa tayong pangaraping makapaglingkod sa bayan.










Mga pinagkuhanan ng larawan:





No comments:

Post a Comment