MOVING FOWARD
Pinakamahalagang
Kaalaman
Ngayong ako na ay tapos sa
Sikolohiyang Pilipino, ang pinakamahalagang knowledge na natutunan ko sa kurso
ay ang kaalaman kung paano ang isang tao ay hinuhubog ng kanyang pamilya. Dahil
sa Psych 108, mas nakilala ko ang aking sarili. Nabigyan ko kahit papaano ng
paliwanag ang mga kinakalakihan kong kaalaman at mas naging kritikal ako kung
tama o mali ba ang mga iyon. Lalo ko rin naappreciate ang aking pagiging
Pilipino sa kursong ito, lalo na sa kaalaman sa Filipino identity. Ngayon,
naipagtatanggol ko na ang sarili ko sa mga nagsasabing tayo ay damaged culture.
Iyong dalawa ang pinakatumatak sa isip ko na kaalaman.
Tatak 108
DATI:
Think: Mahirap kasi Filipino
language, pero madali lang kasi alam ko naman na ang Filipino Culture. Wala
naman na atang masyadong maidadagdag sa kaalaman ko ang 108.
Feel: Boring siguro yung
teacher. Pang-matanda yung name eh.
Do: Makikinig lang siguro
ako sa klase.
NGAYON:
Think: Mas maappreciate mo pala ang psychology lalo na kung nasa
konteksto ng kulturang kinabibilangan mo. Mas malalim ang pag-unawa dahil wika
ko ang ginamit. Andaming naidagdag sa kaalaman ko, at may armas na ako kung
paano makikipagunayan sa aking mga relasyon: sa lipunan, romantiko, pamilya, at
kapwa.
Feel: Sobrang galing ng
guro, dahil hindi lang napupuno ang utak ko ng kaalaman kundi lalo na ang puso
ko ng mga emosyonal na alalaala. Fresh at youthful pa ni Sir, walang dull
moments. Laging happy pero informative. Dagdag pa rito, mas dama ko ang
pagkaPilipino ko dahil sa buong termino, panay mga local na halimbawa, maski
lokal na palabas ang example niya. Sobrang worth it ang subject na ito.
Do: Maraming gawain sa klase
na ito na relevant naman sa buhay mo. Ang seatmate mo lagi mong mapagbubuksan
ng loob. Makakapagbahagi ka lagi sa mga groupwork. Mas makikilala mo ang sarili
mo sa klaseng ito. Bawat konsepto, susubukan mong i-apply sa buhay mo.
Mag-enroll ka na dito! Now na!
Huling
Mensahe
Maraming salamat Sir
Ton, dahil mas lumalim ang pag-unawa ko sa aking sarili dahil sa PSYCH 108. Lalo rin
napagigting sakin ang responsibilidad bilang Iskolar na gamitin ang lenteng
Pinoy sa bawat pag-aaral na aking gagawin. Salamat mga kapwa mag-aaral sa bawat
kwento at eksperiensya ninyong ibinahagi para lalo kong maunawaan ang mga
bagay-bagay. Salamat sa mga tawanan at kwentuhan. Ito man ang ating huling
sayaw, tiyak na bawat hakbang at galaw ay tatak sa aking puso’t isipan.
No comments:
Post a Comment